Forever in Blue Jeans

February 8, 2010

Ang Simula ng Katapusan*

Filed under: Writings — jaysonyang @ 5:19 pm

(Karugtong ng Gabi, Umaga, at ang Dapithapon)

Marahang itiniklop ng binata ang natitirang telang babaunin niya sa kanyang nalalapit na paglalayag. Ito ang kanyang huling gabi sa kinagisnang buhay dahil maya-maya lamang ay mararating na niya ang bago niyang mundo, kung saan naroroon ang pinangarap niyang payak at mapayapang pamumuhay. Alam nyang may kulang, ngunit handa na siya.

Muling sumulyap ang binata sa kalangitan, at nakita kung paanong ang mga ulap ay nagmistulang namamaalam sa isang kaibigang nakiramay sa maraming pag-ulan. At tulad ng mga ulap na sa mga oras na iyo’y payapa, wala nang luhang papatak mula sa binata. Pawang buntong hininga na lamang mula sa kanya at ang malungkot na himig ng hangin ang maririnig, ngunit alam ng binata na pagkatapos nito ay papailanlang ang heleng matagal na niyang inaasam. Maririnig ang huling mga salitang bibigkasin ng binata bago ang kanyang paglalayag. Mahal kita.

Matatapos ang araw na tulad ng dati. Mapapawi ang liwanag, babalutin ng dilim ang kalangitan, at magsisimulang mabuo ang buwan. Isang tipikal na gabi, ngunit hindi alintana na sa likod ng liwanag ng buwan, isang paglalayag ang sinimulan tungo sa itinakda.

*at isang panibagong panimula

February 5, 2010

Maikling Kwento ng Pag-ibig at Paninidigan

Filed under: Writings — jaysonyang @ 10:26 am

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata.

Nagsimula ang ating kwento sa isang kilos-protesta na ating dinaluhan sa pakiusap ng isang propesor sa isang kurso kay Rizal. Ang alam lang natin, laban daw ito ng mga magsasakang tinanggalan ng karapatan sa kanilang sariling lupain. Tulad ko ay hindi mo din nauunawaan ang lahat, pero kapwa din natin piniling manatili at tapusin ang pagtitipon sa paniniwalang pagkatapos nito ay mayroon tayong mababaong mga bagong pananaw.  Magkatabi tayong nakinig sa mga lider ng pakikibaka na nagbibigay boses sa mga hinaing ng mga naabuso nating kababayan.

Natapos ang rally at sabay tayong naglakad papunta sa sakayan pero nagpasya munang tumigil sa isang batong upuan sa sunken garden. Ilang araw na lamang noon at matatapos na ang sem, pero iyon pa lang ang unang araw na nagkausap tayo. Andami-dami mong kwento, mula sa mga housemates mo sa isang apartment sa teacher’s vill, ang dating taksil na kasintahang halos isumpa mo, ang mga engg’ subjects na binagsak mo at kung paano ka naging non-major. Hindi ko na natandaan kung paano natapos ang ating kwentuhan, pero malinaw pa din sa isipan ko ang sinabi mo bago ka magpaalam. “Ngayon lang ako naging ganito kasaya.” Kung ano ang kahulugan ng mga salitang ‘yun ay hindi ko na muna inalam.

Kung dati’y hindi naman tayo magkatabi at nagpapansinan sa klase, sa sumunod na mga araw ay hindi na tayo mapaghiwalay. Hinihintay mong matapos ang huli kong klase at maglalakad tayo sa campus na parang walang katapusan ang araw. Tatambay tayo sa likod ng Quezon Hall at ikukwento mo sa akin kung paanong nabago ng unibersidad ang buhay mo. Paulit-ulit mo ding ikukwento ang iyong kabataan at saglit na tatahimik upang bigyang daan ang mga damdaming gusto mo nang kalimutan. Sa ganoong mga oras ko nakikita ang pinakamalungkot na itsura ng iyong mga mata. Nakamasid ka lang sa kalangitan, magbibitaw ng isang malakas na buntong-hininga, at sasabihin sa aking “Ang gulo ng mundo.”. Sunod ay maririnig ang ating tawanan na parang wala nang bukas.

Ilang pagwalkout sa klase pa ang iyong sinang-ayunan upang dumalo sa mga kilos-protesta. Di nagtagal ay naging pormal kang kasapi ng grupo ng mga mag-aaral na aktibo sa mga pag-aalsa laban sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Gayong kasama mo ako sa paniniwala sa mga bagay na ito, naunawaan mong hindi ko magawang sumapi sa inyong samahan dala ng aking sariling mga plano. Hindi mo ako kailanman tinanong, bagkus ay lagi mo akong pinapaalalahanan kapag may mga nakakalimutan akong gawaing pang-akademiko. Naging abala ka man sa pagmartsa sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan, sinisiguro mong magkikita pa din tayo kahit dalawang beses sa isang linggo. At sa mga araw na iyon, nararamdaman kong sa atin lang umiikot ang mundo, at tulad ng dati, lalakad tayo hanggang mapagod ang ating mga paa, magkukwentuhan nang walang humpay, at ibabahagi ang kanya-kanyang pangarap sa buhay. Marami tayong pangarap na nabuo. At sa bawat pangarap na iyon, nangako tayo na walang maiiwan, walang mag-iisa.

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang masilayan ko ang sakit na iyong nararamdaman ay bigla din akong napaiyak. Nagyakap tayo habang patuloy na umiiyak. Wala ni isang salitang lumabas. Halos kalahating oras tayo sa ganoong posisyon nang tumigil ka at hinawakan mo ang aking kamay, at inilapit sa iyong bibig. Muling pumatak ang iyong luha. Hindi ko mabasa ang isip mo ngunit naramdaman kong kailangan kitang hagkan. Iyon ang una nating halik, na nauwi sa pagsasalo sa magdamag.

Dalawang araw pagkatapos ng gabing iyon ay sinabi mong kailangan mong bumalik ng probinsya. Halos tapos na din noon ang sem kaya inisip kong panahon na din iyon para makapagbakasyon ka. Hinatid pa kita sa terminal at hindi iniwan hanggang makaalis ang bus. Pababa na ako nang hinawakan mo ang aking kamay. Tiningnan mo ako na tila inaaral mo ang bawat sulok ng aking mukha. Malamlam ang iyong ngiti at nagbabadyang pumatak ang iyong mga luha. “Salamat.” Iyan lamang ang salitang sinabi mo. Tumawa ako at pinisil ang iyong ilong nang malakas na nagpasigaw sa’yo. “Sige na. Ingat ka. Pasalubong!” Habang pababa ay naramdaman ko ang labis na  kabang hindi ko maipaliwanag.

Habang papalayo ay tinatanaw kita. Nakatingin ka pa din sa akin hanggang tuluyan ka na ngang umiyak. Tumalikod ako upang di na masilayan ang iyong pagluha. Hindi ko sigurado kung para saan iyon, ngunit hindi ko na muna inisip nang mga sumunod na araw. Hihintayin na lang kita sa sunod na pasukan.

Nakasakay ako sa bus kahapon nang matanaw ko sa labas ang isang pamilyar na mukha, paakyat sa isang istasyon ng MRT, walang ipinagbago pagkatapos ng apat na taon. Ang huli kong balita’y tumungo ka sa isang lalawigan upang ituloy ang laban sa lupain ng mga magsasakang iyong nakasalamuha sa isang kilos-protesta sa labas ng Kagawaran ng Agrilutura. Hindi ka na bumalik sa unibersidad. Hindi na din tayo muling nagkita at nagkausap.

Gusto ko sanang bumaba para lapitan ka, ngunit may kung anong pumigil sa akin. Naging laman ka ng isip ko buong araw,  ang mga alala ng ating naging samahan, hanggang maisulat ko ang ating kwento.

Marahil sa susunod na makita kita, magagawa ko nang lapitan ka, at magpakwento, maraming-maraming kwento.

February 2, 2010

Avatarize Yourself!

Filed under: Funny, TV and Movies — jaysonyang @ 1:35 pm

I avatarized myself! Your turn!

February 1, 2010

Ikaw at ang Ulan ay Iisa*

Filed under: Writings — jaysonyang @ 12:39 pm

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Ang bawat patak ay may himig, nagbabalik ng iyong alaala, at ng gabing pinili kong ibigin ka.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Sa bawat pagdungaw sa salaming bintana ay natatanaw din kita, habang naglalakad ka sa kalyeng una kitang nakita.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Ang lamig ng panahon ay nagpapaalala sa akin kung gaano kalambot ang iyong mga kamay, at ang iyong labing kaytagal kong ninais hagkan.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Hanggang hindi tumitila ang ulan, hanggang natatapakan ko ang mga nabasang daan, hindi matatapos ang pag-ibig ko.

Mahal ko ang ulan sa kabila ng pangungulilang hatid nito. Iniibig kita sa kabila ng nawalang nakaraan. Iniibig ko ang ulan. Mahal kita. Ikaw at ang ulan ay iisa.


*para sa lahat ng may naaalala sa pagbuhos ng ulan. Matatapos din ang ginaw. :-)

January 28, 2010

Andrew Garcia- Sunday Morning (AI9 Audition)

Filed under: Music, TV and Movies — jaysonyang @ 9:32 am

At last!! Someone showed what AI is all about! Andrew Garcia ftw!

January 27, 2010

Gabi, Umaga, at ang Dapithapon

Filed under: Writings — jaysonyang @ 3:50 pm

Minsan isang gabi, umuulan.

Ang bukas na telebisyon ang tanging nagbibigay liwanag sa silid ng binatang noo’y nakatanaw sa labas ng bintana, animo’y kinikilala ang kadiliman ng gabi. Tulad ng maraming gabing nagdaan, ang gabing iyon para sa binata ay paghihintay. Ngunit naiiba ang gabing iyon dala ng ulan, sapagkat ang ulan ang nagtakda na iyon na huli, ang hangganan ng paghihintay, ang gabi ng pamamaalam. Nang gabing iyon, tinalo ng pagluha ang pagbuhos ng ulan.

Isang madilim na umaga

Ipinasya ng binatang bumangon na sa kama matapos ang isang malungkot na magdamag. Tulad ng dati, walang mga ibong bumabati ng isang magandang umaga, at walang sariwang hanging tumatawid mula sa naiwang nakabukas na bintana. Mamasa-masa ang lupa sa labas, nagiging putik sa bawat taong napapadaan, sa kanya’y patunay na hindi panaginip ang pagdating ng ulan, hudyat ng paglaya. Subalit paanong ang paglaya’y nagdudulot ng pait at matinding paghihirap? Natapos na ang paghihintay, ngunit hindi ang sakit, hindi ang pagluha. Nang umagang iyon para sa binata, binalot ng dilim ang liwanag ng kalangitan.

At sa wakas, sumapit ang dapithapon.

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglaho ng isang pangarap. Ang bukas para sa binata ay ang kahapon at ang magpatuloy sa pagsalubong sa susunod na umaga ay pagtanggap ng pagdurusa. Malinaw sa binata ang kanyang kahinaan at tinanggap niya ito gaya ng pagharap niya sa ulan nang nakaraang gabi. Kagabi ay gabi ng pamamaalam sa nakaraan at ang lumipas na umaga ay araw ng paglaya, paglayang humantong sa pagsuko at umagang naghatid sa binata sa dapithapong hindi na baon ang gabi. Nagpasya siyang isara na ang bintana at tuluyang talikuran ang lahat. Dumating na ang dapithapon, ngunit di tulad ng dati, hindi na darating ang gabi, at ang umaga.

*Sa kamatayan, nawawalan ng buhay ang katawan, ngunit hindi ang kaluluwa.

January 25, 2010

F*%#ck You in Different Languages

Filed under: Funny — jaysonyang @ 4:14 pm

Another one from Mo Twister’s blog! “Fuck you” in different languages! Here’s my pick: “Pisti!”(Lithuania). LOL.

January 22, 2010

Me in Korea!

Filed under: Travel — jaysonyang @ 3:55 pm

I’m transferring some albums from my multiply account, and here’s the first. :)

Some pictures from my 21-day stay in South Korea. *sniff* I miss those days. Korea!! I promise I’ll go back! *tears*

January 20, 2010

Someone’s peeping!

Filed under: Funny — jaysonyang @ 4:47 pm

Got this from Mo Twister’s blog. Go figure out what’s wrong with this girl! Haha.

Angel Locsin sent me a twitter direct message. :)

Filed under: Celebrities — jaysonyang @ 4:15 pm

Got this reply from Angel Locsin a month ago, and this simple message made my day. Angel is pure love. I ♥ her bigtime! :)

Older Posts »

Blog at WordPress.com.