Forever in Blue Jeans

February 5, 2010

Maikling Kwento ng Pag-ibig at Paninidigan

Filed under: Writings — Jayson Yang @ 10:26 am

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata.

Nagsimula ang ating kwento sa isang kilos-protesta na ating dinaluhan sa pakiusap ng isang propesor sa isang kurso kay Rizal. Ang alam lang natin, laban daw ito ng mga magsasakang tinanggalan ng karapatan sa kanilang sariling lupain. Tulad ko ay hindi mo din nauunawaan ang lahat, pero kapwa din natin piniling manatili at tapusin ang pagtitipon sa paniniwalang pagkatapos nito ay mayroon tayong mababaong mga bagong pananaw.  Magkatabi tayong nakinig sa mga lider ng pakikibaka na nagbibigay boses sa mga hinaing ng mga naabuso nating kababayan.

Natapos ang rally at sabay tayong naglakad papunta sa sakayan pero nagpasya munang tumigil sa isang batong upuan sa sunken garden. Ilang araw na lamang noon at matatapos na ang sem, pero iyon pa lang ang unang araw na nagkausap tayo. Andami-dami mong kwento, mula sa mga housemates mo sa isang apartment sa teacher’s vill, ang dating taksil na kasintahang halos isumpa mo, ang mga engg’ subjects na binagsak mo at kung paano ka naging non-major. Hindi ko na natandaan kung paano natapos ang ating kwentuhan, pero malinaw pa din sa isipan ko ang sinabi mo bago ka magpaalam. “Ngayon lang ako naging ganito kasaya.” Kung ano ang kahulugan ng mga salitang ‘yun ay hindi ko na muna inalam.

Kung dati’y hindi naman tayo magkatabi at nagpapansinan sa klase, sa sumunod na mga araw ay hindi na tayo mapaghiwalay. Hinihintay mong matapos ang huli kong klase at maglalakad tayo sa campus na parang walang katapusan ang araw. Tatambay tayo sa likod ng Quezon Hall at ikukwento mo sa akin kung paanong nabago ng unibersidad ang buhay mo. Paulit-ulit mo ding ikukwento ang iyong kabataan at saglit na tatahimik upang bigyang daan ang mga damdaming gusto mo nang kalimutan. Sa ganoong mga oras ko nakikita ang pinakamalungkot na itsura ng iyong mga mata. Nakamasid ka lang sa kalangitan, magbibitaw ng isang malakas na buntong-hininga, at sasabihin sa aking “Ang gulo ng mundo.”. Sunod ay maririnig ang ating tawanan na parang wala nang bukas.

Ilang pagwalkout sa klase pa ang iyong sinang-ayunan upang dumalo sa mga kilos-protesta. Di nagtagal ay naging pormal kang kasapi ng grupo ng mga mag-aaral na aktibo sa mga pag-aalsa laban sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Gayong kasama mo ako sa paniniwala sa mga bagay na ito, naunawaan mong hindi ko magawang sumapi sa inyong samahan dala ng aking sariling mga plano. Hindi mo ako kailanman tinanong, bagkus ay lagi mo akong pinapaalalahanan kapag may mga nakakalimutan akong gawaing pang-akademiko. Naging abala ka man sa pagmartsa sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan, sinisiguro mong magkikita pa din tayo kahit dalawang beses sa isang linggo. At sa mga araw na iyon, nararamdaman kong sa atin lang umiikot ang mundo, at tulad ng dati, lalakad tayo hanggang mapagod ang ating mga paa, magkukwentuhan nang walang humpay, at ibabahagi ang kanya-kanyang pangarap sa buhay. Marami tayong pangarap na nabuo. At sa bawat pangarap na iyon, nangako tayo na walang maiiwan, walang mag-iisa.

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang masilayan ko ang sakit na iyong nararamdaman ay bigla din akong napaiyak. Nagyakap tayo habang patuloy na umiiyak. Wala ni isang salitang lumabas. Halos kalahating oras tayo sa ganoong posisyon nang tumigil ka at hinawakan mo ang aking kamay, at inilapit sa iyong bibig. Muling pumatak ang iyong luha. Hindi ko mabasa ang isip mo ngunit naramdaman kong kailangan kitang hagkan. Iyon ang una nating halik, na nauwi sa pagsasalo sa magdamag.

Dalawang araw pagkatapos ng gabing iyon ay sinabi mong kailangan mong bumalik ng probinsya. Halos tapos na din noon ang sem kaya inisip kong panahon na din iyon para makapagbakasyon ka. Hinatid pa kita sa terminal at hindi iniwan hanggang makaalis ang bus. Pababa na ako nang hinawakan mo ang aking kamay. Tiningnan mo ako na tila inaaral mo ang bawat sulok ng aking mukha. Malamlam ang iyong ngiti at nagbabadyang pumatak ang iyong mga luha. “Salamat.” Iyan lamang ang salitang sinabi mo. Tumawa ako at pinisil ang iyong ilong nang malakas na nagpasigaw sa’yo. “Sige na. Ingat ka. Pasalubong!” Habang pababa ay naramdaman ko ang labis na  kabang hindi ko maipaliwanag.

Habang papalayo ay tinatanaw kita. Nakatingin ka pa din sa akin hanggang tuluyan ka na ngang umiyak. Tumalikod ako upang di na masilayan ang iyong pagluha. Hindi ko sigurado kung para saan iyon, ngunit hindi ko na muna inisip nang mga sumunod na araw. Hihintayin na lang kita sa sunod na pasukan.

Nakasakay ako sa bus kahapon nang matanaw ko sa labas ang isang pamilyar na mukha, paakyat sa isang istasyon ng MRT, walang ipinagbago pagkatapos ng apat na taon. Ang huli kong balita’y tumungo ka sa isang lalawigan upang ituloy ang laban sa lupain ng mga magsasakang iyong nakasalamuha sa isang kilos-protesta sa labas ng Kagawaran ng Agrilutura. Hindi ka na bumalik sa unibersidad. Hindi na din tayo muling nagkita at nagkausap.

Gusto ko sanang bumaba para lapitan ka, ngunit may kung anong pumigil sa akin. Naging laman ka ng isip ko buong araw,  ang mga alala ng ating naging samahan, hanggang maisulat ko ang ating kwento.

Marahil sa susunod na makita kita, magagawa ko nang lapitan ka, at magpakwento, maraming-maraming kwento.

About these ads

44 Comments »

  1. naalala ko dito yung nobelang Para kay B

    Comment by mara — February 5, 2010 @ 10:34 am

  2. really? cge i’ll read that one of these days. thanks mara. :)

    Comment by jaysonyang — February 5, 2010 @ 1:28 pm

  3. Ng-enjoy aqng bsahn toh! At da same time n lungkot aq 4 u, sna mgkta uli kau,
    m0re p0wer’ g0d bless..
    >.<

    Comment by Framella — February 18, 2011 @ 1:29 pm

    • Aww.. Thanks for reading. God bless din. :)

      Comment by jaysonyang — February 18, 2011 @ 10:49 pm

  4. ang ganda naman ng kwento

    Comment by kessy — February 25, 2011 @ 4:01 pm

    • Thanks for reading! Glad you like it. :)

      Comment by jaysonyang — February 26, 2011 @ 12:06 am

  5. Sana nilapitan mo siya…

    Comment by van — March 20, 2011 @ 11:54 pm

  6. kinilabutan ako sa kwento sobrang ganda nakakabitin nga lang sana maipagpatuloy nanabik na akong malaman ang susunod na mga pangyayari dapat kasi bumaba ka agad sa bus at nilapitan mo sya eh!grabe nakaka kilig sobra
    by jaymar

    Comment by jabonillo — July 8, 2011 @ 6:28 pm

    • thanks for reading. we’ll see what happens next. :)

      Comment by jaysonyang — July 13, 2011 @ 11:29 am

  7. made me sad.

    Comment by anonymous — July 9, 2011 @ 12:22 am

    • thanks for reading! :)

      Comment by jaysonyang — July 13, 2011 @ 11:28 am

      • :)

        Comment by van — July 14, 2011 @ 9:48 pm

  8. PARA SAKIN KILIG DIN MASAYA NA MALUNGKOT KC WALA PNG END D PA NATIN ALAM ANG MANGYAYARI SAINYO SO GUD LUCK,..

    Comment by Xernalyn Aszcar — August 20, 2011 @ 10:16 am

  9. gjgjh

    Comment by bhatanq khuliet — August 21, 2011 @ 11:11 am

  10. Ang ganda naman nito. :c

    Comment by icko — August 28, 2011 @ 12:26 am

    • Salamat!

      Comment by Jayson Yang — August 28, 2011 @ 12:35 pm

  11. mmmmmm nakakarel8 angmraming tao rito ………..hmmmmmmmmmm…….meron tlaga na di pra sa isat isa…..

    Comment by kkblorena_25 — October 8, 2011 @ 4:03 am

  12. gusto kong tapusin ang kwento

    Comment by aileen — October 10, 2011 @ 7:30 pm

  13. Nakakabtn sayang ..

    Comment by Sarah — November 2, 2011 @ 9:21 pm

  14. nag enjoy aq bsahin 2

    Comment by ruby — November 22, 2011 @ 12:17 pm

  15. ummmmm … xayang walang ending … but it is nice naman …,,, kaxooooohhhh!!!!!!! …. BITIN eyyyyyyy..

    Comment by zai — December 6, 2011 @ 6:06 pm

  16. prajek ko to

    Comment by delson — January 10, 2012 @ 9:13 pm

    • Hi! For which project? Kung gagamitin mo po, just don’t forget to cite your source. :)

      Comment by Jayson Yang — January 10, 2012 @ 9:27 pm

  17. so nice….hope you both for a happy ending… Godbless

    Comment by joshene — February 15, 2012 @ 3:31 pm

  18. nakakalungkot na man sana makausap mu na din sya para naman marugtongan ang inyong pagkakaibigan!!!!!!!!!!!!!! hoping na maging masaya ka sa kinabukasan after nang inyong pag-uusap… dont lose hope be brave at all…gud luck!!!!!!!!!!!!

    Comment by joshua — February 24, 2012 @ 5:15 pm

    • Hi! Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa. All is well. :)

      Comment by Jayson Yang — February 24, 2012 @ 5:22 pm

  19. kuya . i think dapat linapitan mo xia . kc d xia iiyak nung umalis sya kung d ka nya ulit gustong makita . . hehe payo q lang . . nakakarelate kc kau . hiHihi * but good luck , god will give you both a good moment 4 each other :-)

    Comment by eLichz Lian — March 17, 2012 @ 12:35 pm

  20. hehe pwede inform mu ulet kme kung mgkita mam kau huh :’) thanks

    Comment by eLichz Lian — March 17, 2012 @ 12:37 pm

    • Nakakatuwa naman. Oo ba. Isusulat ko kung anuman. :)

      Comment by Jayson Yang — March 17, 2012 @ 1:40 pm

  21. Ang ganda ng story,…kea lang nakaka sad.sana mgkita ul8 kau.

    Comment by Roxy — April 13, 2012 @ 6:16 pm

    • Maraming salamat sa pagbasa. :)

      Comment by Jayson Yang — April 13, 2012 @ 9:15 pm

      • ito ang sample ipapakita ko sa teacher ko…… salamat dito ha..
        god bless u.

        Comment by Dionisio baquial — July 21, 2012 @ 1:46 pm

      • Hi! Walang anuman! Basta paki-cite na lang ng source.

        Comment by Jayson Yang — July 21, 2012 @ 2:57 pm

  22. nice… kaya lang bitin…

    Comment by janice — July 10, 2012 @ 12:53 pm

  23. grabe ang ganda…

    Comment by lonella — August 1, 2012 @ 4:58 pm

  24. hi jayson, i am now on air @ kasanggayahan FM dito sa sorsogon, i want to read this story on air… it is very interesting… i love it… i am “classmate Geri”. i will acknowledge you on my Program “Kasanggayan Love Song”

    Comment by Gerald Jintalan — August 15, 2012 @ 1:57 pm

    • Hey! Go ahead! Too bad I am out of the country. Gusto ko sana mapakinggan din. Pero sige po. What’s your schedule? :D

      Comment by Jayson Yang — August 15, 2012 @ 2:16 pm

  25. hehehe .. binalikan kotong site , baka sakaling makabalita na .. haha .. ako nga po pla ulit si eLich Lian kuya :”) .. may isang tanong Lang .. MAY FEELING KA PARIN PO BA SA KANYA ? :3 hehe curious lang :)

    Comment by eLich Lian 18 — September 1, 2012 @ 3:27 pm

  26. may mga taong sadyang takot na malaman ang katutuhanan, kaya hindi niya magawang lapitan dahil natatakot syang malaman ang totoo ,,
    in short nauunahan sya ng takot sa kanyang puso.sana lang nilapitan mu sya para malaman mo kung saan ka lulugar sa puso nya.

    Comment by djlovely — September 20, 2012 @ 9:42 pm

  27. angganda ng kwent but at the same time nalungkot,anyway maybe someday magkkasalubong ulit landas nyo:)

    Comment by margz — October 31, 2012 @ 7:58 pm

  28. nkakabitin, bkit kac hndi mu cya nilapitan kuya?

    Comment by cherry mae panerio — November 4, 2012 @ 1:52 pm

  29. .ganda :)

    Comment by pinkishlover — January 24, 2013 @ 5:52 am

  30. Kuya part2 naman dyan… :)

    Comment by Jerry — August 18, 2013 @ 1:37 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

The Silver is the New Black Theme. Create a free website or blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 222 other followers

%d bloggers like this: