Forever in Blue Jeans

January 30, 2012

Thoughts From A Temple Run Freak

Filed under: Bloopers, Personal, Writings — Tags: — Jayson Yang @ 8:23 pm

Thoughts from a Temple Run freak:

1. Ang buhay ay di gaya ng Temple Run. Hindi ka dapat tumatakbo para takasan ang mga halimaw na humahabol sa’yo. Dapat tumatakbo ka dahil may gusto kang patunguhan, dahil may gusto kang marating.

2. Sana tulad na lang ng Temple Run ang buhay. Kapag nagkamali ka, nahulog, nabangga, o kaya napaso, pwede ka pa ding bumalik sa simula, daanan ang mga dating dinaanan, pero mas matalino at mas maingat.

3. Lahat tayo parang nagtetemple run. Tumatakbo tayo sa maraming mahirap na daan. Minsan nalilito tayo kung pipiliin ba natin ay kaliwa o kanan. Kadalasan nasasaktan tayo. Mahirap, nakakalito, nakakakaba, pero masaya. 🙂

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.