Forever in Blue Jeans

February 25, 2010

Idol Forecast: Top 12 Girls

Filed under: Music, TV and Movies — Tags: — Jayson Yang @ 12:58 pm

Idol 9’s live show started last night and I am back to give you my fearless forecast! Yay! I miss doing this!

Majority of the girls are not your singing competitions’ typical belters, making this season’s top 12 girls the most interesting batch of female contestants in idol. I love that most of them sound so contemporary and they don’t pick the usual self-centered, this-is-my-journey, i-can-hit-that-note-by-mariah-and-whitney songs. Reserve those for the finale. 🙂

I divided the girls into four groups and after each group is my verdict. Here it goes!

Group A: Didi Benami, Lilly Scott, Lacey Brown aka the girls I’ve been rooting for since the first rounds of the competition.

Didi Benami impressed the judges when she sang Terrified during the Hollywood week. Though she didn’t give a solid performance last night with her rendition of The Way I Am, her voice and the way she plays with her singing guarantee her a spot for next week. She gave me chills and made me smile, and so I am officially in love with Didi Benami.

Lilly Scott is an artist. She has the indie appeal that will give her a solid fan base. She is not pop and may not have the appeal of previous female idol contestants and winners, but Lilly will definitely leave some good marks on this season’s idol. Lilly’s version of BeatlesFixing A Whole, which I absolutely love, rocked in special ways.

I don’t know why, but Lacey Brown reminds me of Bjork and Bjork’s singing. When she opens her mouth to hit those high notes, I see Bjork. And because I adore Bjork, I adore Lacey. Lacey’s version of What A Wonderful World is enough to give her a spot in the finals. I hope America will remember this and give her a chance to redeem herself next week.

My Verdict: Didi and Lilly are going through, but Lacey’s in danger. America, please save Lacey! Save my girls!

Group B: Siobhan Magnus, Katelyn Epperly, Paige Miles aka the girls who surprised me and the girls who had few appearances prior to the live show

Siobhan Magnus got the best comments last night and she may have the final spot next week ‘coz she’s definitely going through. I can’t wait to watch her next performance! It seems that she has some surprises in store for us. The girl reminds me of Lea Michelle, Lea Salonga and Filipina celebrity Jackie Foster. Wahaha.

I find Katelyn Epperly cute and adorable, and there’s something in her voice that is current and exciting. Paige Miles, on the other hand, should get the diva spot ‘coz of her big and powerful vocals. She’s singing the Christina Aguilera style and I like it.

My Verdict: We’ll see these girls next week.

Group C: Kathie Stevens, Crystal Bowersox, Haeley Vaughn, Janell Wheeler, Ashley Rodriguez aka the girls I really don’t care about

Since I really don’t care if these girls will make it or not, only one of them is fortunately or unfortunately getting my words. I knew it! They would give Kathie Stevens the final spot! Unfortunately, her performance disappointed the judges, but I think she has a good voice, but not mature enough for idol though.

My verdict: Crystal and Haeley will be safe. Kathie, Jessica and Janell are in the same boat, and that boat is sinking.

Group D: Michelle Delamor, Crystal Bowersox aka the girls that I do not like

Yes, Crystal belongs to two groups. I don’t like her only because she reminds me of someone who annoys me big time! And my biggest question this season: What is Michelle Delamor doing on that stage?! She has no star power, her singing is very old school, her movement is so cabaret, her voice is so average for a black singer, her tone becomes shaky when she reaches the high notes, she is forgettable and, her hair is so outdated. In short, she is soo not deserving. And my second biggest question, How come she got good comments from the judges??

My Verdict: Crystal is going through, and I hate to say that Michelle will be safe. However!!!!! These are just predictions! Wahaha. America, please be with me on this one!

*images from rickey.org

February 24, 2010

Ang Pinakamalungkot na Gabi*

Filed under: Writings — Jayson Yang @ 11:02 am

Pamamaalam sa isang kaibigan

Pagdalaw ng masasakit na alaala

Paglimot at pagpapasya

Labis na katahimikan

Pag-iisa

Marahil, iyon nga ang pinakamalungkot na gabi.

*Sinubukan kong magsimula sa isang pamagat pero wala akong mabuo. Paumanhin. 😦

February 12, 2010

Didi Benami- American Idol Season 9

Filed under: Uncategorized — Jayson Yang @ 8:55 pm

BIG BIG LOVE for Didi Benami! I am in love. ♥♥♥

Hollywood Week- Terrified

Audition- Hey Jude

February 8, 2010

Ang Simula ng Katapusan*

Filed under: Writings — Jayson Yang @ 5:19 pm

(Karugtong ng Gabi, Umaga, at ang Dapithapon)

Marahang itiniklop ng binata ang natitirang telang babaunin niya sa kanyang nalalapit na paglalayag. Ito ang kanyang huling gabi sa kinagisnang buhay dahil maya-maya lamang ay mararating na niya ang bago niyang mundo, kung saan naroroon ang pinangarap niyang payak at mapayapang pamumuhay. Alam nyang may kulang, ngunit handa na siya.

Muling sumulyap ang binata sa kalangitan, at nakita kung paanong ang mga ulap ay nagmistulang namamaalam sa isang kaibigang nakiramay sa maraming pag-ulan. At tulad ng mga ulap na sa mga oras na iyo’y payapa, wala nang luhang papatak mula sa binata. Pawang buntong hininga na lamang mula sa kanya at ang malungkot na himig ng hangin ang maririnig, ngunit alam ng binata na pagkatapos nito ay papailanlang ang heleng matagal na niyang inaasam. Maririnig ang huling mga salitang bibigkasin ng binata bago ang kanyang paglalayag. Mahal kita.

Matatapos ang araw na tulad ng dati. Mapapawi ang liwanag, babalutin ng dilim ang kalangitan, at magsisimulang mabuo ang buwan. Isang tipikal na gabi, ngunit hindi alintana na sa likod ng liwanag ng buwan, isang paglalayag ang sinimulan tungo sa itinakda.

*at isang panibagong panimula

February 5, 2010

Maikling Kwento ng Pag-ibig at Paninidigan

Filed under: Writings — Jayson Yang @ 10:26 am

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata.

Nagsimula ang ating kwento sa isang kilos-protesta na ating dinaluhan sa pakiusap ng isang propesor sa isang kurso kay Rizal. Ang alam lang natin, laban daw ito ng mga magsasakang tinanggalan ng karapatan sa kanilang sariling lupain. Tulad ko ay hindi mo din nauunawaan ang lahat, pero kapwa din natin piniling manatili at tapusin ang pagtitipon sa paniniwalang pagkatapos nito ay mayroon tayong mababaong mga bagong pananaw.  Magkatabi tayong nakinig sa mga lider ng pakikibaka na nagbibigay boses sa mga hinaing ng mga naabuso nating kababayan.

Natapos ang rally at sabay tayong naglakad papunta sa sakayan pero nagpasya munang tumigil sa isang batong upuan sa sunken garden. Ilang araw na lamang noon at matatapos na ang sem, pero iyon pa lang ang unang araw na nagkausap tayo. Andami-dami mong kwento, mula sa mga housemates mo sa isang apartment sa teacher’s vill, ang dating taksil na kasintahang halos isumpa mo, ang mga engg’ subjects na binagsak mo at kung paano ka naging non-major. Hindi ko na natandaan kung paano natapos ang ating kwentuhan, pero malinaw pa din sa isipan ko ang sinabi mo bago ka magpaalam. “Ngayon lang ako naging ganito kasaya.” Kung ano ang kahulugan ng mga salitang ‘yun ay hindi ko na muna inalam.

Kung dati’y hindi naman tayo magkatabi at nagpapansinan sa klase, sa sumunod na mga araw ay hindi na tayo mapaghiwalay. Hinihintay mong matapos ang huli kong klase at maglalakad tayo sa campus na parang walang katapusan ang araw. Tatambay tayo sa likod ng Quezon Hall at ikukwento mo sa akin kung paanong nabago ng unibersidad ang buhay mo. Paulit-ulit mo ding ikukwento ang iyong kabataan at saglit na tatahimik upang bigyang daan ang mga damdaming gusto mo nang kalimutan. Sa ganoong mga oras ko nakikita ang pinakamalungkot na itsura ng iyong mga mata. Nakamasid ka lang sa kalangitan, magbibitaw ng isang malakas na buntong-hininga, at sasabihin sa aking “Ang gulo ng mundo.”. Sunod ay maririnig ang ating tawanan na parang wala nang bukas.

Ilang pagwalkout sa klase pa ang iyong sinang-ayunan upang dumalo sa mga kilos-protesta. Di nagtagal ay naging pormal kang kasapi ng grupo ng mga mag-aaral na aktibo sa mga pag-aalsa laban sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Gayong kasama mo ako sa paniniwala sa mga bagay na ito, naunawaan mong hindi ko magawang sumapi sa inyong samahan dala ng aking sariling mga plano. Hindi mo ako kailanman tinanong, bagkus ay lagi mo akong pinapaalalahanan kapag may mga nakakalimutan akong gawaing pang-akademiko. Naging abala ka man sa pagmartsa sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan, sinisiguro mong magkikita pa din tayo kahit dalawang beses sa isang linggo. At sa mga araw na iyon, nararamdaman kong sa atin lang umiikot ang mundo, at tulad ng dati, lalakad tayo hanggang mapagod ang ating mga paa, magkukwentuhan nang walang humpay, at ibabahagi ang kanya-kanyang pangarap sa buhay. Marami tayong pangarap na nabuo. At sa bawat pangarap na iyon, nangako tayo na walang maiiwan, walang mag-iisa.

Isang araw, naabutan kitang umiiyak sa labas ng iyong apartment. Lumapit ako sa’yo at nakita ko ang takot, galit, at lungkot sa iyong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang masilayan ko ang sakit na iyong nararamdaman ay bigla din akong napaiyak. Nagyakap tayo habang patuloy na umiiyak. Wala ni isang salitang lumabas. Halos kalahating oras tayo sa ganoong posisyon nang tumigil ka at hinawakan mo ang aking kamay, at inilapit sa iyong bibig. Muling pumatak ang iyong luha. Hindi ko mabasa ang isip mo ngunit naramdaman kong kailangan kitang hagkan. Iyon ang una nating halik, na nauwi sa pagsasalo sa magdamag.

Dalawang araw pagkatapos ng gabing iyon ay sinabi mong kailangan mong bumalik ng probinsya. Halos tapos na din noon ang sem kaya inisip kong panahon na din iyon para makapagbakasyon ka. Hinatid pa kita sa terminal at hindi iniwan hanggang makaalis ang bus. Pababa na ako nang hinawakan mo ang aking kamay. Tiningnan mo ako na tila inaaral mo ang bawat sulok ng aking mukha. Malamlam ang iyong ngiti at nagbabadyang pumatak ang iyong mga luha. “Salamat.” Iyan lamang ang salitang sinabi mo. Tumawa ako at pinisil ang iyong ilong nang malakas na nagpasigaw sa’yo. “Sige na. Ingat ka. Pasalubong!” Habang pababa ay naramdaman ko ang labis na  kabang hindi ko maipaliwanag.

Habang papalayo ay tinatanaw kita. Nakatingin ka pa din sa akin hanggang tuluyan ka na ngang umiyak. Tumalikod ako upang di na masilayan ang iyong pagluha. Hindi ko sigurado kung para saan iyon, ngunit hindi ko na muna inisip nang mga sumunod na araw. Hihintayin na lang kita sa sunod na pasukan.

Nakasakay ako sa bus kahapon nang matanaw ko sa labas ang isang pamilyar na mukha, paakyat sa isang istasyon ng MRT, walang ipinagbago pagkatapos ng apat na taon. Ang huli kong balita’y tumungo ka sa isang lalawigan upang ituloy ang laban sa lupain ng mga magsasakang iyong nakasalamuha sa isang kilos-protesta sa labas ng Kagawaran ng Agrilutura. Hindi ka na bumalik sa unibersidad. Hindi na din tayo muling nagkita at nagkausap.

Gusto ko sanang bumaba para lapitan ka, ngunit may kung anong pumigil sa akin. Naging laman ka ng isip ko buong araw,  ang mga alala ng ating naging samahan, hanggang maisulat ko ang ating kwento.

Marahil sa susunod na makita kita, magagawa ko nang lapitan ka, at magpakwento, maraming-maraming kwento.

February 2, 2010

Avatarize Yourself!

Filed under: Funny, TV and Movies — Jayson Yang @ 1:35 pm

I avatarized myself! Your turn!

February 1, 2010

Ikaw at ang Ulan ay Iisa*

Filed under: Writings — Jayson Yang @ 12:39 pm

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Ang bawat patak ay may himig, nagbabalik ng iyong alaala, at ng gabing pinili kong ibigin ka.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Sa bawat pagdungaw sa salaming bintana ay natatanaw din kita, habang naglalakad ka sa kalyeng una kitang nakita.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Ang lamig ng panahon ay nagpapaalala sa akin kung gaano kalambot ang iyong mga kamay, at ang iyong labing kaytagal kong ninais hagkan.

Ikaw at ang ulan ay iisa.
Hanggang hindi tumitila ang ulan, hanggang natatapakan ko ang mga nabasang daan, hindi matatapos ang pag-ibig ko.

Mahal ko ang ulan sa kabila ng pangungulilang hatid nito. Iniibig kita sa kabila ng nawalang nakaraan. Iniibig ko ang ulan. Mahal kita. Ikaw at ang ulan ay iisa.


*para sa lahat ng may naaalala sa pagbuhos ng ulan. Matatapos din ang ginaw. 🙂

Create a free website or blog at WordPress.com.